Friday, March 4, 2011

Uhaw na Pag-ibig (Ikalawang Bahagi)

Tumawag naman kay Clyde…
“Dear,  can you come over, the kids are asleep?”
“Isn’t your husband home?”
“No he left…I am sure he will not be back by 5 in the morning…”
Biglang dumating si Kalbo may dala pang Chinese take out binili dito sa Lucky Dragon sa
82nd Ave.
“For you”,  inabot ni Clyde.
“Nagabala ka pa”
“What did you say?”
“Thank you”
Kinuha ito at nilagay sa refrigerator.
“Are the kids asleep?”
“Yeah”
“Do you want to go to Motel Six?”, sabay tanong ni Clyde.
“What the heck ! OK  but make sure we stay there only short time .OK?”
“Promise.”

Dumaan ang limang oras mag alas tres na nang madaling araw nang ibinaba ni Clyde si
Vivian sa bahay nito.

“Where do you think you are going?”
“I am going to sleep.”
Hinarang si Vivian at tinapon ang itim na Nike bag na may laman nang mga damit at
sapatos nito.
“Go hike with that boyfriend of yours. I have a police restraining order within ten meters,
you are not to trespass in this property. You Hear! You Bitch!” winagayway ang sulat at
ordinansang  galing sa Multnomah County.

Nagising ang mga bata habang hinarangan ni Chris ang GMC truck ni Clyde.
“You better bring your tramp to Hell. She does not belong here any longer!”,  sigaw ni
Chris.
Tapos nagbigay nang flying kiss nang tumingin si Vivian.

“Putang Ina mo! Magtutuus tayo!”
Galit na binato  ni Vivian ang mga gamit sa daan  habang pinulot ni Clyde ang kalat sa
gitna nang kalye at binitbit patungo sa kotse.

Noong nakalayo na sila nang mga isang milya , sinabi ni Clyde…
“Dear, you are welcome to stay the night in my house but you cannot stay here
indefinitely…”
“Why not?”
“Because if our office manager  finds out, we will both be canned!”, sabit ni Clyde.
”oook”,  at malakas na humagulgol at humikbi si Vivian.

Dumaan ang ilang linggo hindi na matiis ni  Vivian ang mga bata at bumalik sa bahay sa
SE 78th at sinalubong siya ni Evelyn, ang 60 anos na ina ni Chris.
“You are not allowed to be here!”, tinarayan itong si Vivian.
“May I see the kids?”
“No!”
“Mom!”,  sigaw na sumalubong si Maya.
“Baby girl, I miss you and love you!”
“OK you better stop that or I will call the cops.”
“No Fear!   Not afraid of you,  Evelyn!”,  palaban na sagot ni Vivian.

Dumating ang pulis at dinala sa Multnomah County si Vivian at kinuhanan uli nang ‘mug
shot’ at kinulong nang isang linggo. Ang paratang na bintang: ‘ Restraining order’.

Ilang araw siyang napiit at naglinis nang kubeta doon. Pinakain sila  nang tinapay at
hamburger pero ‘di nakatiis at tumawag sa mga kaibigan.  Sina Hazel, Ludy, Maris,
Gloria at si Miriam . Ang huli ay sumagot.

Naawa si Miriam at pinahiram siya nang dalawang daan dolyares pampiyansa.
“Eto Dalawang Daan”
“Salamat.”
“Paano ka na?”
“Ewan ko.  Siguradong tanggal na ako sa post office. Ano ang tingin mo?”
“Maiba ako… Gusto mo bang pumasko sa AMF Bowling Lanes sa 92nd Ave. May opening
kami.”
“Aba oo”, biglang tugon ni Vivian.
“Ikaw ay magbibigay nang pagkain sa mga nagorder doon , waitress ika nga”
“Sige, kaya ko yon Glo… Salamat”
“Magkano ang sahod doon?”
“Siyempre bago ka pa lang , minimum wage mga pitong dolyares…pero konting tiyaga at
sipag lang tataas ‘din ang sahod mo. “
Tumango si Vivian
“’Wag kang mabagabag, ako ang bahala sa iyo.”
“OK?”, tinitigan siya ni Miriam.
“Kelan ang umpisa?”
“Bukas sumama ka sa akin para makita mo kung papaano.”
“OK dokie”

Pinasok siya sa AMF Bowling ni Miriam, na na supervisor na doon .

Isang araw nakita niya si Earl Cunningham, 50 anos at may bungi na ngipin.   Isa siyang
Parokyano at  tournament  bowler doon at mahilig din magistambay sa AMF tuwing
martes at biyernes.
“Hey sweet pea, Can I call you sometime?”
“Oh no! I am busy.”, pakipot na sagot ni Vivian.
“Common, May I have your cell phone?”
Inabot ito at sinulat sa papel.
Kinindatan at umalis .

Lumipas ang tatlong araw at tumawag sa kanya si Earl.
Inimbita siya sa bahay nito sa SW Minter Road dito sa Hillsboro tuwing lunes dahil day off
ni Vivian.
Nakilala niya ang anak na si John, binata may tattoo sa kanang braso at sa tiyan, bente
anos, medyo papatpatin at may buhok hangang balikat na kulot.

“Hey Viv, you are welcome to stay here.”, nakabungisngis na sinabi  nito.
Ngumiti lang si Vivian.

Nang isang lunes, nakainom siya nang Budweiser at doon na namalagi.
“Hey sweetie, why don’t you move in with me?”
“One hundred percent, I love you! “  binangit ni Earl.
“I love you too.”, sumabay naman si Vivian.

Ingit at halong lungot ang mapungay na mata ni John na nakatitig sa kanya.
“Anything wrong?”, tanong ni Vivian.
“Oh,  I am happy you decided to stay here”

Dumaan ang ilang linggo at si Earl ay nagbusiness ng paupahan na drum. Pinangasiwa
niya si Vivian at pinagbawalan nang magtrabaho sa AMF bowling lanes.

Lumipas  ang anim na buwan, parang gusto siyang pakasalan ni Earl. Pumayag itong
kumuha nang abogado para sa diborsiyo niya kay Chris Anderson. Si Atty. Larry Holmes
and nakatulong mapawalang bisa ang kasal ni Vivian at Chris.

Pagkaraan nang siyam na buwan,  nawalang bisa ang kasal subalit naremate ang bahay
nila sa SE 78th Ave.

Nabalitaan na lang ni Vivian na dinala ni Chris ang mga bata sa Vancouver, Washington
dahil dito nakatira si Evelyn, ina nito.

Isang araw biglang bumisita si Vivian sa Vancouver.
“I have visitation rights to the kids.” Bungad nito.
“You  have to talk to your lawyer!”,  sagot nang matapang na ina ni Chris.

Nakaraan ang isang buwan at nadala na rin ni Vivian sa bahay ni Earl ang mga bata at
binili pa nito nang apat na bisikleta.

Nang dumating ang taginit sa buwan nang Julio , may naamoy siyang di kanais nais na
nanggaling sa garahe.

Sumilip siya sa may butas sa gilid nang garahe, at nakita niyang may aparato doon , may
meth lab kits, may pseudoephedrine , metamphetamine at mga cold medicines. Napansin
niya ang mga karayom at mga beaker na iba ibang laki.  Laking gulat ni Vivian nang
pumunta siya sa likod nang garahe may nagisnan siyang halaman na nakatanim doon.
Cannabis nga ….tama ang hinala niya…

Pagbukas nito sa garahe
“What the heck is this?”, sigaw ni Vivian. “You doing dope!” tanong kay John.
“None of your business, bitch! “, dinilatan siya ni John at sabay tulak sa kanya.
“Susumbong kita sa tatay mo !” lumabas siya.
Nang dumating nang alas singko nang hapon si Earl…
“You know John is smoking meth and marijuana! I caught him in the act!”
“Hey take it easy Vivian. He is just a kid. Let him enjoy. Relax…”
“You crazy?”
“Well you live here now, and you are expected to keep quiet and follow my rules here.
Understand!  so you better shut the fuck up or you will get hurt!” sumpa nitong si Earl.

Lumabas at pumunta sa garahe si Earl kasama ang anak na si John at may dalawa pang
kaibigang lalake. Kinandado ang garahe. Sumilip sa puwang si Vivian. Tahimik tapos
nakita niyang nilaplap ni Earl ang matigas na ari ni John at pati na rin ang kaibigan
nitong masculado na si Tony. Si Ramon , ang mexicano na may itsura ay ganoon din ang
ginawa kay John at salin salin silang nagpasasa sa sarap. Naghalinhingan habang
nagdudurog…

Halos masuka si Vivian at biglang tumakbo parang nakakita nang multo at putlang putla
itong nilisan ang  bahay. Tangay ni Vivian ang konting damit.

Nagbus papapunta sa bahay ni Gloria….
“O napapano ka na naman?”
“hu…hu… hu…. nanginginig ang buong katawan nito parang may lagnat at sinalaysay
ang pangyayari  sa bahay ni Earl.

“Dito ka muna manatili nang ilang araw sa balay pero alam mo hirap ako ngayon maliit
lang ang kita ko kaya pasensiya ka na. Eto ang kumot at unanan.”
“Salamat. Glo.”
“Sige tulog ka na dito sa futon.”

No comments:

Post a Comment