Ang Filipino ay mahilig mangarap at isa sa kanilang pangarap ay ang mapabuti ang buhay. Isang paraan ay manirahan at maghanap nang mabuting trabaho sa ibang bansa.
Ang “Uhaw na Pagibig” ay nagsasalaysay sa buhay nang isang Filipina. Siya si Vivian na nagasawa at nabigo. Naghahanap nang tunay na pagibig na magbibigay sa kanya nang kasayahan at pinansiyal na securidad.
Ito ay halos hango sa tunay na buhay ni Vivian. Isang trenta’y kuwatro anos na babae na nakatira sa siyudad nang Portland Oregon.
Si Vivian ay isang magiliw na ina sa kanyang mga anak at mabait na kaibigan. Marami siyang kapwa Filipina na tumulong sa kanya lalo na sa pagpasok sa trabaho isa dito sa United States Postal Office at sa AMF Bowling Lanes.
Ang tanging kalbaryo niya ay ang ngalan nang pagibig. Ito’y wari’y pansamantala lamang o kaya mailap at parang isang hayop na mahirap amuin. Siya ay nananalig na balang araw ay makakamtan niya ang kanyang inaasam na kaligayan na madudulot nang pagibig na minimithi para sa kanya at sa kanyang pamilya.
Sinubukan niyang magsikap sa trabaho pero laging siyang natatalisod sa kanyang kahinaan. Siya ay laging naghahanap, nangangapa ‘di mawari kung sasala sa init o sa lamig.
Ang kanya paulit ulit na pagkulong at alitan sa mga lalaki na nakakaugnay sa kanya ay ‘di niya waring matarok .
Dito nakasalalay ang misteryo nang kanyang kinabukasan. Si Vivian ay nakibaka sa mga lalaking naging bahagi nang kanyang buhay tulad ni Chris Anderson, na may anak siyang apat. Si Earl Cunningham, na may anak siyang isa. Si William at si Andre…
Kahit ano man ang tingin natin kay Vivian, huwaran o isang huwad na Filipino na binigyan nang pagasang mamuhay sa Amerika. Huwag natin sana siyang husgahan .
Itong salaysay nang buhay ni Vivian ay nagpapakita na ang Filipino ay kailang gumising sa katotohanan (maasim man o matamis o may halo man ) at maging matapang kahit anong kalbaryo o balakid ang kanyang tinatahak o kanyang maaring haharapin.
Ang hirap sa ibang mga Filipino parang si Icarus na mahilig lumipad at lumapit sa Araw dahil pag napaso na nang ilang ulit hindi parin madala.
Sana magbigay itong salaysay ni Vivian nang liwanag sa ating buhay at patuloy tayong tumulong sa ating mga kapos palad na mamamayan at wari’y tignan natin ang sarili sa salamin hindi para humusga nang mga pagkakamali kundi para maintindihan nating ang ating sarili at matutunan nating mahalin ito para tayo ay may sariling bait at mahal at takot sa Diyos.
No comments:
Post a Comment