Friday, March 4, 2011

Uhaw na Pag-ibig (Ikatlong Bahagi)

Namumutla ito parang binabad sa sukang paombong nang ginising ni  Gloria nang alas siete nang umaga.
“Hoy gising na tanghali na!”

Biglang tumayo at pumunta sa banyo si Vivian. Nagsusuka at walang ganang sumubo nang kanin at tuyo o kaya nang kape na nasa hapag kainang pang almusal.

“Buntis ka ba?”
“Baka nga”
“Ay tanga!”, nabigla si Gloria.
“Kasi nabuo itong bata noong  pumunta kami sa Las Vegas para magpakasal, pero hindi naman natuloy at nagsugal lang kami. Nakalimutan kong uminom nang pills…”
“Sabi ko na nga ba, eh!”
“Paano na iyan? “,  tinituro ang tiyan ni Vivian.
“Ewan ko. Hahanap ako nang paraan… bahala na ang Diyos”

Lumipat lipat si Vivian sa bahay nang mga kaibigan hanging nadatnan siya sa bahay ni Miriam.
“Naku manganganak na yata ako!”
Pinatuloy siya at tumawag nang manghihilot. Doon na niya sinilang ang batang babae pangalan ay Abigail na kahawig ni Earl . Siete libra ang timbang at mapungay ang mata.

Tinawagan niya si Earl .
“Well Vivian, you know that we have to give up this child.”
“That is yours,  too” , palabang sinabi nito.
“Sorry I cannot keep it.” , binagsakan siya nang telepono.

Dahil hindi siya makakita nang disenteng trabaho, pumayag na siyang ipaampon sa Social Services nang Multnomah County . Ginawa munang “foster child” tapos naging adaption na.

Masama ang loob ni Vivian kaya pumunta siya sa bahay ni Earl sa Beaverton.

Lasing at bangag ito nakahithit din siya, at nagsisigaw “Lumabas ka diyan halimaw, walang puso, hindi mo ako minahal pati ang anak natin pinabayaan mo na rin!” 

Tapos pinagbabato niya ang bintana nang bahay ni Earl hangang nakandabasag ang mga
ito. Tumawag nang pulis si Earl at siya ay pinadampot dito naman sa Corrections office sa Washington County siya nilatayan nang “restraining order”.

Pinayansahan naman siya ni Hazel dito at pinatira siya panandali sa bahay nito.
“Alam mo di ka puwedeng magtagal dito dahil meron akong bisness, nagaalaga nang matanda kung gusto mo tumulong ka at bibigyan kita.”

Pumayag naman si Vivian at inaabotan siya ni Hazel nang 50 dollars tuwing linggo. Kasi alam nito na walang certificate si Vivian sa pagaalaga sa matatanda.

Makalipas ang tatlong linggo, hindi na naman siya mapakali… at nag alsa balutan muli.

Pumunta sa “King and Queen of Hearts Tavern “ sa Duke at doon niya nakita si William Troy na nagtatrabaho sa Jiffy Lube bilang mekaniko.

Inibita siyang umuwi sa apartment nito at nang lumaon nakabili pa sila nang sasakyan na Ford Taurus.

Ang siste, limang beses hindi makapasa si Vivian sa driving test.  Nang umabot na nang  anim na beses  nagpatulong kay Maris at kay Hazel. Walang nangyari.

Isang araw tumawag si Earl at sinabing  “Vivian you better get your clothes here or they go to Goodwill”.

Pumunta siya doon para kunin ang mga gamit pero nong nakita niya si Earl. Muhing muhi siya… “Bakla, saan ang mga gamit ko!”

“Bitch, you better speak in English you are in America not in fucking Philippines!”

“Where my clothes?”
“Gone to  Goodwill…Go away!”

Tapos sumingit si John at hinaplos ang harap malapit sa bayag nito at sinabing
“Dad she can join us, she can give us good head”.
“You sick in the head!” sabing galit ni Vivian.

Dinuraan ni John si Vivian sa mukha at lalong humagulgol paalis.

Nakauwi sa apartment nila ni William at wala pa ito. Inantay niya hangang ala una nang umaga at umuwing lasing …
“Where did you go?”
“Out with my friends…”
“Well, why did you not invite me?”
“Well, you are not my wife! I can do as I please!”
“Really I am leaving…”
“Go ahead. Anyway you are a leech! You are a burden to me! Ok,  Go if you like!”
Pinalayas siya…

Lumakad sa Mt. Scott Park .  Tuliro…

May hawak nang yosi at beer at may bumati na lalakeng pangalan na si Andre Minot.
“Where are you going?”
“Nowhere?”
“You wanna come here with me?”
“OK”
Hindi alam ni Vivian na diabetic si Andre nang tumira siya doon.

Lumipas ang ilang buwan at tinawagan si Maris
“Kita tayo…”
“Sige pumunta ka sa harap nang opisina naming sa banco.”
Sumugod si Vivian at umiiyak habang kumakain sila sa Red Robin Restaurant sa Sa Clackamas . Binigyan siya nang bente dolyares pamasahe.
“Sige ayusin mo ang buhay mo…”
“Salamat ha… ito nga sabik akong makapiling ang mga bata, Si Maya at Morgan, Si Matthew at si Michael. Baka hindi na nila ako hinahanap dahil ubod nang layo na naming sa isa’t isa.”
“Kamusta na si Abigail?”
“Napaampon  ko siya sa Social Services, sabi nila na sa Phoenix Arizona na daw…”
Lalong humagulgul si Vivian.

“Tahan na. Ayaw mo bang umuwi sa Pilipinas?”, tanong ni Maris.
“Nahihiya ako sa pinaggagawa ko dito”.
“Sa California kaya diba meron kang tiyahin doon sa San Diego si  Manang Letty?”
“ Naku ayaw ko nang bulabugin siya, masalita iyon…”
“Kuripot pa!” dagdag ni Vivian
“Paano ka na?”
“Pagdasal mo na lang ako. May awa ang Diyos…”

Si Vivian ay lumayag na nangingilid ang luha ….

WAKAS

No comments:

Post a Comment