Labing walong oras
ka nagtrabaho
kailangan mo
magpahinga, pare ko.
Itong katabi mo
‘di na naghanap nang trabaho
sinabing “disabled daw”
kaya sumusuweldo
may food stamps
may bus pass
may taxi subsidy pa
Disabled daw
tumitig ka sa kanila…
nakatawa… nagpapahinga…
Laking tanga
‘di mo kayang ipakita
disabled ka rin pala…
May sakit sa puso
may “varicose veins” pa
may “herniated disc” sa likod
sabi nang doktor
puwede kang kumuha…
pero umiling
sumumpang hangang may hininga
tuloy pa rin
ang pagbubuno’t pagtatrabaho
kahit mabigat sa warehouse
nagbuhat nang kargado…
‘di ka na bata, pare ko!
singkwenta ka na
nagbibilang ka na nang apo
Ano ang pagasa ?
Medicare… 401k …
inaaasahan ito?
ke dami mong kredit kard
pulos palya ang bayad
kolektor umaaligid
sa tawag araw at gabi.
minsan naputulan nang init
nanginginig sa lamig
nakitulog sa disabled daw
bakit ka nagtitiis?
wala ka bang mapuntahan?
Pare, magpapakamartir ka ba?
Diyos lang ang makaalam
sabi mo sa iyong dasal
manalo sana sa lotto
para ‘di na magtrabaho.
itong buhay dito
Amerikang pinaratangan
bakit ka ‘di kumikibo
bakit ka nakayuko
Ikinahihiya mo ba
ang pagiging Filipino?
Sumagot ka?
alam ko dalawa ang trabaho mo,
Pare, huminahon ka.
marunong ka pa bang huminga?
tuwing linggo
nakalimutan mo nang magpahinga?
pagikaw ay nagising sa umaga
sino ba ang Diyos na nakikita?
pagpikit mo nang mata
‘di mo na namasdan
ang paglubog nang araw,
pati paglaya nang mga tala…
Laking sipag mo, pare!
Laking bayani
o bakit ka nagpapabaya
mahal na bayani?
No comments:
Post a Comment