Sunday, February 27, 2011

“Mahal kong kapitbahay” (hango sa tunay na buhay)

Rumaragasa kang dumating

sakay ang Ford F350

U-Haul at dalawang retriever na bitbit.

‘kala naming ikaw ay maging kapamilya

tulad nang mga taong katabi

pero pumalya pala…

aso kong Dalmatian nang tumahol

ikaw ay naghurumentadong pumatol.

Kumatok nang ala sais nang umaga

nakahubad nang kalahati

humamon nang patayan

sinabing ‘di puwedeng pagpaliban…

lumabas kami

‘di ka nakipagkamay

sumigaw huwag palabasin

ang asong perwisyu

kinagat nang dilim

‘di ka kamo makatulog”

(siguro dapat uminom nang Lunesta)

malamang isang masamang balita

kumatok muli

‘di nakuntento

sinipa pa pinto kong nananahimik dito.

nang tumahol uli ang aming aso

sinabing ito’y nauulol

tulad nang buang sa Ingles na nabulol.

‘di man kami magaling mag-ingles

sinabing ikaw ay gradwyet sa

Universidad nang Washington

isang marangal at mataas na institusyon.

pinagtawanan ka…

napika at napikon

naghamon

naghubad nang polo…

handang magtuus sa kalye

mano o mano

magsuntukan hangang matauhan.

‘di kami pumatol

nagasal nang pulos

“Fuck you! Fools!”

‘kala mo kami’y aatras.

tahimik lang

tumawag nang pulis.

isang araw

nanakawan nang mower sa garahe

masamang mata

tinanim mo sa lahat sa kalye.

Mahal na kapitbahay

gumawa ka pa nang mataas na bakod

para ‘di mo makita

ang mga batang naglalaro

lumalangoy sa paliguan

ikaw ay nagbarbecue

‘kala namin nagbago ka na

bukas makalawa

nakita ka naming

may hawak nagpipinta…

tapos

isang kurap ikaw ay naupos

parang sigarilyong nawalan

nang pulburang pulbos

pinarentahan ang bahay

kara-karakang lumayo

walang kibo.

Mahal na kapitbahay

ganito ba ang mamuhay?

kung tinangap mo ang kamay

kung tumawa lang sa asong maingay

kung kinibit lang ang balikat

‘di na sanang naging masalimuot

itong damdaming nakakalungkot.

No comments:

Post a Comment