Kumikinang ang buwan
Nakangisi ang mga tala
May tumatagay sa kanto
Pero wala silang sinasanto.
Dumaan ako sa gilid
Sa ilalim nang estero
Nakita ang isang dilag na nagmamadali
Tumawag sa cellphone
Walang sumagot
Hinatak nang lasing
Hinalikan Hinaplos
Tumabi ako sa dingding
‘Di ako makakilos
Baka mamataan
May patalim sa iyong tadyang
Sumigaw kang “Saklolo, tulungan ninyo ako!”
Binirahan, inihian at hinubaran
Sumugod ako
Sabay ang takbo
Sinabi mong, “Salamat manong, ‘di ako naligpit!”
Humagolgol. Humiyaw
Nawala kamo’ng cellphone na isang taong ibinuno
Parang asong nawalan nang buntot
Sinamahan ka sa precinto nang parak
Iyong kaso ay pangkaraniwan
Sinabing magpasalamat ka
‘Di ka na tamaan.
Ilang araw ang lumipas
Kinamusta kung nabawi ang cellphone
Sabi mo, “Walang kuwenta,
‘di bale na lang”
Inabot ko sa iyo
Bente mil, sabi mo
“Salamat nang lubos”
Dali-daling nagpaalam
Pinagmasdan ang Langit
Nagtago ang buwan
Umiiyak ang mga tala
Umihip ang amihan
Ala Ondoy o Pepeng parating
Santo santisima
Diyos ko, patawad!
No comments:
Post a Comment