Sunday, February 27, 2011

Tinimbang ngunit kulang

Simula 1975

Rebolusyon nang internet

Nagtampisaw

Ang DOS … Ang OS2…

Nanganak nang ilang henerasyon…

Ngayon batang bata si Windows 7 pati na rin OS9

Intel at AMD processors, ‘di mapakali

Agawan dito… asaran doon…

Demandahan

Ano ba ito?

Tayo ay nabighani

Tayo ay napa-ibig

Tayo ay natangay…

sa alon nang walang hanggan

‘Di na tayo makakilos

Kung walang computer…

Pati cell phone mo

nakatali sa facebook …

O naka twitter ka rin pala,

Meron atang nag tweet sa ‘yo …

Iiwan na lahat mabasa

lang kung sino ‘yon o

Anong nilalaman nito

Tsk … Tsk…Tsk…

Tapos nagmamaneho

Papunta sa probinsiya

Binuksan ang GPS …

Ay naku, wala namang kuwenta…

Natrapik ka rin

Hindi natarok ni GPS

(Aksidente sa kalye…

sabi mong pabulong)

Nabighani sa IPAD

Ngayon pumila ka

Nagisyoso ang iba

Ikaw taas noong kukuha

500 dolyares na bagong laruan…

Nandoon ka sa MAC tindahan

Kaninang alas kuwatro pa!

Ay, magaling ito !

Maka email, makalaro, maka download

Makasulat , daig pa ang iPhone ha?

Kailangan ba ito?

Kaibigan?

Tandaan ‘di lahat nang bago

at kumikinang

ay nararapat sa sangkatauhan.

Ang pananalig sa MayKapal

‘Di dapat pabayaan.

Nagsimba ka na ba?

‘Wag mong sabihin nagsimba ka sa internet?

Manigas ka!

Sino nga ba ang mas matimbang?

No comments:

Post a Comment