Ako ay isang OFW
walang ikanahihiya
ginawa upang makalayo
‘di para makalimot
ngunit makaalala
nang bayang pinangalingan
nang katutubong pinagmulan.
Ang pusong marahas
kung saan saan napapadpad
akala ko ito na ang paraisong pagdadausan
ngunit ‘di pala…
ito ay isang lagusan lamang
para matuto
para magkasangay
para magkadahon
para lumaki’t lumago
at ‘di matangay nang unos
at baha na nakalulumo.
OFW
merong iba…
ito na ang huling pagasa
Naintindihan kita
kailangan lumayo
para lumapit sa bayan
‘mong minahal.
kailangan humiwalay
sa pamilya …
Pare, kailangan nila ‘yon
maramdaman nila
kung may pagmamahal pa…
OO nga,
‘di lang kuwarta
ang habol mo sa ibang bansa…
‘Di nila naintindihan natamasang kalungkutan
nakakabinging pangungulila
para ka nang mababaliw
nagluluksa sa mga iniwang pagiliw…
pati tubig sa poso
iyong kinakausap…
Biro mo
laking saya nang makita
kapwa OFW sa simbahan
o kaya sa plaza.
Ito ang OFW
ang bagong bayani
lumayo, pare
para lumapit
at makauwi
nang buong ginhawa …
(bangungut lang kaya?)
No comments:
Post a Comment