Sunday, February 27, 2011

Dito sa Amerika

Dito sa Amerika

Akala nang iba

pulos sarap at pasyal lang…

Parang ‘di mo iniinda

ang pagbanat nang buto

hanggang pumutok na ang iyong bato.

Wala nang panahong magsuklay

kailangan magbaon para ‘di na bumili sa labas

ubod nang mahal gasolina pa lang

kinulang na sa gatas ni bunso.

Dito sa Amerika

‘Wag ka na lang magsine

Humiram ka na lang sa Redbox

O DVD Play isang dolyar lang

Nagputian na ang buhok mo

Kailangan mag-parlor…

Naku, kalimutan mo na lang

bumili ka na lang nang pangtina

magising sa pagiging sariling sikap.

Dito sa Amerika

malamig.. mainit…maselan…

kaya pagnilamig ang kaluluwa

bumili ka na lang nang pampainit…

Sa Walgreens,

o kaya sa Rite Aid

o kaya sa garage sale na lang

‘Wag ka pupunta sa mall

ubod nang mahal doon

wala ka nang pampadala sa

mahal na pamilya…

Dito sa Amerika

‘di ka kailangan pumorma…

kailangan magbanat nang buto

ipakita nating pinoy

kaya nating lahat ito!

No comments:

Post a Comment