Sunday, February 27, 2011

Nagbibilang

(Alay kay Atty. Jose San Pedro, aking ama SNW Abril 8, 2010 – siya ay nakaratay nang dalawang taon)

Parang nauunos na kandila

mga salitang ipinaubaya

walang tuldok

Buntong hiningang

binansagan.

Nakaratay sa kama

Naumay iyong dila

Naagnas iyong braso

Nabasag na relo

Luhang tumigas

Salaming mong umiwas

Pabangong naaagnas

Sigaw na umalpas.

Walang araw

na nanlamig ang ‘yong unan

salitamg pagibig ‘yong nalimot

sa hirap na parang masamang bangungot.

Hindi na makaupo

Naliligo sa ihi

Nagkakalat nang binhi.

Walang kibo

May tubong nakatusok

sa ilong hangang bituka

Nagdurugo ‘yong puso

Nagaantay…

Inaanay…

Yan ang buhay

na wala nang saysay…

Ibukas mo ‘yong puso!

Iwagayway ang kaluluwa!

Diyos lang ang nakaaalam

Huwag ka nang magbilang!

No comments:

Post a Comment