Sunday, February 27, 2011

Para kay Inday

(Alay sa mga Inday )


Isang kang Filipinang paslit

Walang muwang

Buong pusong

Nagtiwala

Nakibaka

Mapusok sa pagibig

Pilya

Tiyahin mong nagpakilala

sa isang banyagang matanda

parang mo nang lolo…

‘Di ka nakatiis

Kaya’t tumakas… tumakbo…

Umalis sa Los Angeles

Pumadpad sa Portland

Dito nakakita

nang mas bata… mas guwapo…

Dito nagpugad

nagkaroon nang kambal at dalawa pa…

naging masaya…

Nagtrabaho bilang kartero

‘kala namin kalbaryo’y tapos na …

Walang patad na paputok

Nabasag ang bintana

Inapakang parang ipis…

Wala kang mapuntahan

Nagpalipat-lipat

Hangang nakulong

sa Multnomah county…

at muli sa Washington county…

Nakalabas…

Uminom. Humithit nang droga.

Nagaantay …

sa takipsilim

Nanlalalake…

Meron kang Matthew ngayon

Meron Nelson kahapon

at Ronald noon…

Inday, makabubuti pang

Umuwi na lang?

Bakit pa nagtiyaga

Dito sa lupang banyaga?

No comments:

Post a Comment