Sunday, February 27, 2011

Layunin

Kung nabatid mo lang

layunin nang isang tao

Ano ba ang ginagawa mo dito?

‘di mo malaman bakit ka nasapreso?

walang pera

walang pampiyansa?

nabartolina pa…

nagtago.

namuhay sa

tulong nang pamilya

sa iba’t ibang dako sa Amerika.

akala mo di ka matutunton

sa immigration.

‘kala mo babalik si Lydia…

‘di na binalik ang iyong 30 mil

na palipad hangin

dahil ang kasal na pangako

napako sa ibang taong kanyang inirog.

Kawawa naman

ang kinabukasan

pauwi ka na

sa sariling bayan.

Layunin mo

sa buhay nausyami’t nauntol

parang ‘di mo matanggap

parang nagaalumpihit.

nakita ka na lang

lumutang sa Willamette River

isang gabi tapos nang pasko

‘kala mo wala nang bukas

‘kala mo wala ka nang mukhang mapakita

‘kala mo makakalaya ka na sa dusa…

No comments:

Post a Comment