Sunday, February 27, 2011

Maingay na Alingawngaw

Maingay na alingawngaw

May batang nilalangaw

sa EDSA.

Inapak -apakan

na parang basura.

Walang malay

Mga taong hangal

Isang sanggol

na iniluwal.

Bakit ganito?

Ang utak nang mundo

Ang tao ba ay utak damo?

Walang takot

Nagtatago?

Napapaso…

sa sariling pawis?

Inuuna ang sariling layaw’t hilig?

Nawawala sa sariling isip

Gumagawa nang sariling gimik

Lumulutang parang isang panaginip

Ganyan ba talaga itong buhay?

Malungkot pero makulay

Masikip pero maingay…

Naligo daw at nagpabango

nguni’t umaalingasaw…

Nagsipilyo daw

Naggayak daw

Tara na, sama ka na

at magsasamba…

Maingay na alingawngaw

May batang naliligaw

sa EDSA

Inapak-apakan

na parang basura…

Tumawag ang kampana

Halina !

Tara na at magsamba!

No comments:

Post a Comment