Friday, March 4, 2011

Uhaw na Pag-ibig (Unang Bahagi)

Nang umuwi si Vivian sakay sa GMC truck in Clyde Paterson at nang bumaba ito….
Nakita niyang madilim at walang kailaw ilaw ang bahay nila sa SE 78th St. Akala niya
tulog na ang asawa at mga anak niya  at  dahan dahan niyang binuksan at kinuha ang susi
sa kanyang backpack.

Biglang hinila siya ni Chris Richardson, asawa niya na 35 anyos, na nakainom nang
Smirnoff vodka.  Hinampas siya sa sikmura at tinadyakan siya sa hita.
‘Di pa ito nakuntento at binigyan pa siya nang “black eye” sa kaliwang mata at tinutukan
.38  kalibre Smith Wesson.

“Fucking Bitch,  where do you think you are going?” sabi ni Chris.
“My friend, Clyde, gave me a ride home honey?”  maga at tinakbpan ang mata.
“How could you hurt me?”, sabi ni Vivian.

“Because you smell like a tramp , act like a bitch, you have sex with that fellow, huh?”
Tapos dinikit niya ang rebolber at tinuksong papaputukin sa bao ni Vivian.

“Sige gawin mo yan! Sa harap nang mga bata! Sisigaw ako!” sabay gising nang apat na
anak nila.

Nagiyakan ang mga bata,  si Morgan at si Maya and kambal na dos anyos ay tumabi sa kanya.

Natigilan si Chris at inagawan nang panganay na anak nilang si Michael , dies anos ang
rebolber .
“Dad you stop that or I will kill you!” aniya.
“OK Michael, I did not mean to blow up against your mother , OK”
“Dad, are you jealous of mom?” Sabay salita ni Matthew, siyam anyos na anak nilang lalake.
“Oh just forget it! “,  sabi ni Chris.

Biglang lumabas at uminom uli sa garahe at nanigarilyo nang Marlboro ito.

Naghurumentado si Vivian ,
“If you hate me say so, I can stay with my friends.”
“You bitch! You stay with your low-lifer friends of yours, you really sucked me dry, bitch!”

Tahimik na pinatulog ni Vivian ang mga bata at siya ay pumunta sa kuwarto at nahiga sa
kama at doon tumabi sa kanya ang dalawang kambal.

“Dito na lang kayo matulog sa tabi ko ha.”

Habang mahimbing na mahimbing si Maya at Morgan, pumasok si Chris at nagulat ito.
Walang imik na kinuha ang unan at natulog sa sala.

Kinabukasan maagang umalis si Chris patungo sa trabaho sa Albertson, isang malaking
grocery chain sa Northwest. Siya ay isang driver nang truck at tagahakot at tagadala nang
paninda sa iba’t ibang tindahan sa Washington at Oregon.

“I’ll be late today. Make sure you go home early or the kids will be home alone.”
“OK honey I’ll take the bus going home.”
Tapos nagdabog paalis  at  kinalabog ang pinto.

Pagsapit nang alas ocho nang umaga hinatid niya sa eskuwela ang mga bata sa
Whitman Elementary School . Grade 3 na si Matthew at Grade 5 naman si Michael.
Sumugod sa bahay ni Gloria ang nagaalaga sa kanyang kambal.

“Ria bahala ka na sa mga bata ha.”

Napansin ni Gloria na nakasuot siya nang maitim na blusa para matago ang mga pasa na
natamo kagabi. Pilit din niyang tinakban ang “black eye” sa pamamagitan nang sunglasses
na itim.

“Diyos ko! Nagbakbakan ba kayo?”
“Gloria, pabayaan mo na kami ni Chris. Konting alitan lang . Nagselos kay Clyde…”
“Sabi ko sa iyo huwag kang sasama sa kalbo na iyon. May gusto talaga sa iyo, eh.”
“Naginuman lang kami kasi kaarawan niya…” tugon ni Vivian.
“Kahit na , may asawa at anak kang tao.  Hindi ka basta bastang lalarga at sasama sa
kanya.”
“Sige aalis na ako. Bahala ka na sa mga bata”
“Teka,  tumawag ka ba nang pulis?”
“Hindi na bale.  Lalo lang lalaki ang gulo.”,  rason ni Vivian.
“Tapatin mo ako may nangyari ba o wala?”
Bilis na kumaway si Vivian at sinuot ang itim na sunglasses niya.
Malipas ang isang oras, dumating si Vivian sa United States Post Office branch dito sa
Airport Road.
Humihingal at nilapitan ni Hazel. Isang kaibigang pinay na nagpasok sa kanya sa trabaho.
“’Buti ‘di ka late ngayon, ha.  Bakit ka naka itim na sunglasses?” Biglang hinatak ni Hazel
ito at nakita ang namumugtong mata at itim at bughaw na pasa sa kaliwang mata ni
Vivian.
“Susmaryosep ! Ano bang ginawa sa iyo ni Chris!”
“Mahabang kuwento… magtrabaho na tayo…

Walang imik at walang kiyeme na hinatak ni Vivian ang crate na naglalaman nang sulat at
pakete.
“Sige aayusin  ko na ang mga ito…”
“Bahala ka!  Buhay mo ‘yan Vivian! Alam mo nandito lang ako,  kung kailangan mo,
tutulungan kita.”
“Salamat sa tulong, ha…” At tahimik niyang tinabraho ang mga sulat at pakete.
Apat na oras ang lumipas at kainan na.
May dalang kanin at longganisa is Vivian at bigla na lang tumabi si Clyde , ang 50 anos na
kartero  nila rito.
“Hey, beautiful, why you look so glum today?”
“Oh nothing!  Hope you had a great birthday last night!”
“Oh that… I am worried did your husband get jealous?”
Walang umik at  patuloy na kumain si Vivian.
“You better hook up with me . Chris is a crazy asshole. He beat you, he kicks you,
He  pummels you like a punching bad. He even treats you like a sex slave…”
Lumapit siya para halikan si Vivian sa labi pero lumayo ito .
“I do not want to get fired.”
Umupo si Vivian sa tabi ni Hazel habang siya ang pinagpipiyestahan nang mga kumakain  
sa cafeteria doon .
Pinagbulungan at minatyagan sila nang ibang kasamahan doon.
“Vivian siguro magtatanda ka na ha. Kung hindi lang maraming nakatingin sa atin…”
“Kinakati ka na naman ano. At yong kalbo pa ang napagtripan mo. “
“Mahiya ka naman ha, di ko type siya ! Amoy lupa at darak na ‘yon ano!”, sambit ni
Vivian.
“Kunwari ka pa!” tukso ni Hazel. “Nakita kong marami siyang binigay sa ‘yo.., ‘yang relo
mo tatak Anne Klien, ‘yang bag mo style Gucci… yang sapatos mo sosyal na Doc
Martens… ano pa ba ang nakaligtaan ko?... Kaya nagselos na si Chris!”
“Suwerte ka pa nga di ka binigti!” patutsadang sinabi ni Hazel.

“Aalis na ako…” sabay padyak ni Vivian.

Tumawag siya sa isang amiga na nakilala niya sa simbahan dito sa Holy Family Catholic
Church.
“Maris , puwede mo ba akong sunduin sa trabaho, kailangan kita!”
“Bakit ano ang nangyari sa iyo?”
“Nagaway kami ni Chris sinaktan at tinutukan pa niya ako nang baril sa ulo…”
“Sige antayin mo ako sa labasan, kita tayo…”
Umuwi sila na nadatnan si Gloria na nagbabantay nang apat na anak nito.
“Salamat Ria, sa suweldo na ang bayad ha…”
“Bakit pinaaalis ninyo na ba ako?”
“’Di naman hinatid lang ako ni Maris…”
“’Musta na…”
“Mabuti…”,  ani ni Gloria.
“Kung gusto ninyo, nagsinangag ako at may bangus pa diyan at kamatis… pati
bagoong…”

Nakalipas ang ilang oras  habang sila ay kumakain banda alas sies nang gabi , nakamot
nang ulo si Michael.
“Mom can you help me with fractions, ¾ is 75% how about 5/6?”, tanong nang bata.
“Maris paki sagot lang ha… puwede ba dahil naglilinis pa ako nang kinainan natin pati
pinggan at plato…”
“OK,  no problem” sabi ni Maris.
Habang matatapos na sa arithmetic si Michael … nagpaalam na si Gloria.
“Sige, ingat kayo!”
Makalipas ang alas ocho nang gabi, biglang may kotseng rumaragasa… si Chris pala.
“Hi Maris!  How are you?”
“I am doing very well.”
“It is nice you are here … helping Michael… You do not mind…”
“Not the least bit…”
Pumanik sa hagdanan si Chris.
“Sige na Vivian uuwi na rin ako. Tapos na kami ni Michael.”
“Salamat sa matalino kong amiga, ha…”
“Ingat” ,  inakbayan ni Vivian si Maris papalabas…
Pabulong na sinabihan ni Maris, “ Isang alang alang mo ang kapakanan nang mga bata,
kawawa naman sila…”
Pagalis nito biglang bumaba si Chris.
“Do you have secrets with Maris? You look pensive…”
“Oh no, she was so nice to pick me up after work. She was free and called me if I need a
ride home…”
“Oh really, you best stop lying you bitch!”
“Honey , please forget ok.  Please. I can make up. OK.”
“You mean it!”  Biglang kinaladkad siya sa kuwarto at kinandado ang pinto.
“Ok make me happy”, nakangising sinabi ni Chris.

Naghubad at bigla rin siyang hinubaran nang pantalon pinilit makipagtalik…
“Not now honey, kids are still awake…”
“I tell you to suck me. We have not done this for awhile…”
“Only last week , honey…”
“If  you cannot satisfy me, you’ll regret it.”
Tumutol siya at nagalit itong lumabas tangay ang pitaka na may laman nang credit card at
kuwarta.
Umiyak  si Vivian. Tinawagan si Maris. Si Ludy. Si Gloria. Walang sagot. Si Hazel.
“Oh bakit ano ang bagong storya natin ha?”
“Si Chris lumabas uli mambababae…”
“Hirap naman ninyong dalawa.  Sala sa init. Sala sa lamig.  Alam din ba niyang may lalake
ka?”
Bigla niyang pinatay ang telepono.

No comments:

Post a Comment